Sampung bagay

Sampu

Sampung beses kong binalik balikan ang profile mo. Nagaalangan na baka may naipost ka o naitweet, o nailike manlang. Hanggang dito nalang ba tayo? Sa tingin tingin? Sa pageeverwing?

Siyam

Siyam na nobela ang nagawa ko sa araw na to. Siyam na mga tula at salita na puno ng damdamin. Hanggang sulat nalang ba ako? Hanggang wordpress nalang ba ang mga salitang ito? Kailan ko kaya mabibigay sayo itong mga to?

Walo

Walong buwan na ang nakakalipas. Naaalala mo pa ba? Narinig mo ba yung sigaw ng aking puso sa napaka tahimik mong mundo? Narinig mo ba ang napaka ingay kong isipan kakasalita patungkol sayo? Disyembre yon, disyembre yon.

Pito

Pitong patak ng luha ang nalaglag sa aking mata. Luha na alam ko naman ay walang patutunguhan. Luha na dapat hindi inaalay sayo ngunit huli na ang lahat, tila dumaloy nalang to bigla ng walang pasabi.

Anim

Anim na libro ang pilit kong binabasa. Anim na libro patungkol sa kung ano ano mang bagay. Pilit na binabasa, pilit na pinagsasabay para lang mawala ka sa isipan ko.

Lima

Limang beses ako laging tumitingin sayo. Minsan kasi parang panaginip ang ating pagtagpo, minsan nagugulat na lamang ako sa paglalaro sa atin ng tadhana, minsan nandyan ka, madalas hindi. Kahit sa tingin manlang doon ko mabuhos ang lubos na pagmamahal ko sayo.

Apat

Apat na beses mo akong napatawa nung araw na yon. Apat na beses mo akong napasaya tila bahagyang nakalimutan kong may malaki akong problema na gustong sumakop sa buong buhay ko. Maraming salamat sa pagpapangiti mo sa akin.

Tatlo

Tatlong masasakit na tibok ng puso ang naramdaman ko. Akala ko sasabog na yung puso ko ng malaman at mapagtanto na may nagmamay-ari na ng puso mo. Akala ko aatakihin ako dahil sa pagsampal sakin ng realidad na wala naman talagang mangyayaring “tayo”.

Dalawa

Sana, tayong dalawa nalang.

Bakit ba pilit tayong pinaglalayo ng tadhana? Bakit parang pinaramdam lang sa akin na gantong klaseng lalaki yung dapat kong hintayin o hanapin. Bakit sinasabi sakin ng tadhana na hindi ikaw ay para sa akin?

Isa

Isang buhay lang ang nilaan satin. Isang puso at isang isipan. Bakit napakadamot naman ng tadhana na ipagkait ang magmahal ng tunay?  Isang isipan na patuloy na nagiisip sayo, isang puso na sugatan man o hirap sa pagtibok ngunit ito ay patuloy na tumitibok para sayo.

~ H (July 24, 2017; 10:57pm)

p.s. RIP Tagalog skills. Ngayon lang ako ulit nakapagsulat ng tagalog. Ang hirap bes! 😂 Please dont mind the grammar huehuehue

Advertisements